Thursday, September 13, 2012

poem #01

Sugal ng Pag-ibig
by: Ye'know :))



Tanda ko pa ang aking unang pagkasawi
Sa lalaking pinagkatiwalaan at pinili
Ngunit ang kasiyahang aking inaasahan
Agad napawi at napalitan ng kapighatian

Mundo ko noon ay tila gumuho
Pagkat puso'y labis na nagdurugo
At di inaasahang makapagbibitiw ng pangako
na walang kasiguraduhan kung matutupad ko

Sinabi sa sariling di na magmamahal pa
dahil sa pananaw na ang pag-ibig ay tanging pantasya
At kapag nahulog ka na'y maglalahong parang bula
tatraydurin ka sa panahong hindi ka handa

Katigasan ng puso'y di rin nagtagal
pagkat sa pangalawang pagkakatao'y muling nagmahal
Aamining hindi naging madali ang pagpapasya
dahil itong puso'y takot nang masaktan pa

Lumipas ang panahon, ngayo'y naiintindihan na
marahil ang una'y hindi siyang nakatadhana
Para sa pag-ibig ako'y muling sumusugal
pagkat kami ngayo'y sumusumpa sa Maykapal

Masakit man marahil ang nagdaan
ito'y isang bahagi ng buhay na babalik-balikan
Kasama ng lalaking nagpanalo ng aking puso
tunay na sa pag-ibig ay wala kang talo :)))